Advertisers

Advertisers

Barilan sa Parañaque: 2 patay

0 348

Advertisers

PATAY ang dalawa katao sa insidente ng pamamaril sa Baclaran, Parañaque, Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na sina Alexander Peña, 38; at Ma. Nimfa Jacinto, 42 anyos.
Sa report, 8:30 ng gabi nang pagbabarilin si Peña habang nagbibisikleta sa bahagi ng Mactan Street.
Ayon sa ulat, sakay ang salarin ng motorsiklo na lumapit sa biktima at binaril ng ilang beses sa ulo.
Isang residente na nakatayo lamang malapit sa pwesto ng biktima ang tinamaan ng ligaw na bala at nasawi rin.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang krimen. (Gaynor Bonilla)