Advertisers

Advertisers

Babala: Online seller naglahong parang bula nang mabayaran

0 291

Advertisers

NANLULUMO ngayon ang isang babae nang mabiktima ng “online seller” na biglang naglaho nang mabayaran.
Kinakailangan ni “Mika” ng bed frame kaya siya naghanap nito online. Nakita aniya ang post ng isang online seller sa Facebook.
Dahil maayos kausap ang seller, nakumbinse siyang ipadala ang kabuuang bayad na mahigit P5,000 gamit ang isang mobile wallet.
December 1 dapat ide-deliver ang item, pero hindi ito dumating. Nang subukang tawagan ni Mika ang seller ay hindi na niya ito nakontak.
“Binlock talaga ako kasi nung una nagri-ring ang number,” ani Mika.
Ginamit din aniya ng seller ang screenshot ng kanilang pag-uusap ni Mika para palabasin na lehitimo siya. Nalaman ito ni Mika nang tawagan siya ng ibang nabiktima ng seller.
Nangangamba ngayon si Mika dahil alam ng nanloko sa kaniya ang address at contact details niya.
Paalala ng pulisya: ‘Wag agad magbayad hangga’t ‘di nade-deliver ang item at ‘di pa nakikita ang inorder.