Advertisers

Advertisers

9 Catholic bishops nasawi sa covid sa loob ng isang linggo

0 295

Advertisers

SA nakaraang linggo, siyam na Catholic bishops ang pumanaw matapos magpositibo sa COVID-19.
Sa pagitan ng Enero 8 Enero 15, ang mga bishop sa tatlong kontinente ay namatay dahil sa coronavirus. Ang mga nasawing bishops ay mga nasa edad 53 anyos hanggang 91. Lima sa pumanaw na bishops ay mula sa Europe, kungsaan unang nadiskubre ang bagong strain ng COVID 19, dahilan para magpatupad ng mas mahigpit pang pag-iingat.
Apat na bishops ang namatay sa isang araw noong Enero 13: Archbishop Philip Tartaglia ng Glasgow, 70; Bishop Moses Hamungole ng Monze, Zambia, 53; Bishop Mario Cecchini ng Fano, Italy, 87; at Cardinal Eusébio Oscar Scheid, 88, retired archbishop ng Rio de Janeiro, Brazil.
Si Tartaglia ay nagpositibo sa covid-19 pagkaraan ng Christmas at siya’y nag-self isolate, pero iginiit ng Glasgow archdiocese na ang sanhi ng pagpanaw ng una ay hindi pa malinaw.
Pinatunog naman ang kampana sa lahat ng Colombian diocese ng Santa Marta noong Enero 12 para bigyang pugay si Bishop Luis Adriano Piedrahita Sandoval, 74, na namatay Enero 11 dahil sa komplikasyon mula sa COVID-19. Si Bishop Cástor Oswaldo Azuaje ng Trujillo, 69, naman ang unang bishop mula sa Venezuela na pumanaw matapos mahawaan ng virus noong Enero 8.
Si Bishop Florentin Crihalmeanu, 61, ang Greek-Catholic Eparchy ng Cluj-Gherla sa Romania, ay namatay Enero 12. Siya ay kilala sa kanyang probinsiya bilang isang “diligent, meek, and humble soul.”
Ang Polish Bishop na si Adam Dyczkowski, emeritus ng Zielona Góra-Gorzów diocese, ay namatay Enero 10 sa edad 88; at ang Italian Archbishop na si Oscar Rizzato ay pumanaw sa edad 91 noong Enero 11. Si Rizzato ay nagsilbing papal almsgiver sa ilalim nina St. John Paul II at Benedict XVI.