Estudyante, welder huli sa bulto ng marijuana

34

ARESTADO ang isang estudyante at isang welder welder nang mahulihan ng 60 pakete ng marijuana sa buy-bust operation sa Barangay Daang Sarile, Canabatuan city, Nueva Ecija, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga dinakip na sina Carlo Manalastas, 22 anyos, estudyante ng Nueva Ecija High School (NEHS); at Amelito Rivera, 25, welder, kapwa taga-Purok Bagong Silang , Brgy. Daang Sarile.
Inaresto ang dalawa matapos pagbentahan ng mga ito ng droga ang police poseur-buyer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.