Usapang lasing: Sundalo bulagta sa kainumang kasamahan

83

CAGAYAN – Patay ang isang sundalo nang barilin ng kapwa sundalo sa loob ng kanilang kampo sa Barangay Piggatan, Alcala dito sa lalawigan.
Kinilala ni Major Jekyll Julian Dulawan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division, ang napatay na si Sgt Paulino Gavino Jr, 29 anyos, ng Mallig, Isabela.
Agad namang sumuko ang salarin na si Cpl Rickson Rulloda, 32, ng Bgy. Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang dalawang sundalo ay parehong nakatalaga sa kampo ng 77th Infantry Battalion ng Philippine Army, at kapwa nasa lasing nang mangyari ang pamamaril.
Sa inisyal na imbestiga-syon, nagkainitan ang dalawa dahil sa hindi pagkakasundo sa kanilang deployment ng kani-kaniyang duty hanggang sa binaril ni Cpl Rulloda si Sarhento Gavino sa tiyan gamit ang Glock 17 service firearm nito.
Nasa kostudya na ng 5ID PA sa Camp Melchor F.dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela ang salarin na nahaharap sa criminal at administrative case.
(Rey Velasco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.