Barangay kagawad binoga habang umiihi

65

MASUWERTENG nakaligtas sa kamatay ang isang barangay kagawad nang barilin habang umiihi sa Brgy. Sawat, Tagudin, Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Tabian dela Cruz, 47, may asawa, residente ng Brgy. Agaguman ng naturang bayan.
Sa report, nag-iinuman ang biktima kasama ang dalawang iba pa sa bahay ng isang Mrs. Toquero sa naturang lugar 11:00 ng gabi.
Makalipas ang ilang sandali, tumayo ang biktima at nagpunta sa likod ng bahay para umihi.
Habang umiihi, nilapitan ito ng isang lalaki at pinutukan ng baril. Agad tumakas ang salarin.
Dinala ang biktima sa pagamutan sa San Fernando City, La Union.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.