Dating Brgy. tanod huli sa baril at marijuana

41

ISABELA – Nasamsaman ng baril, mga bala at pinatuyong dahong ng marijuana ang dating barangay tanod nang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa Barangay Upi, Gamu dito sa lalawigan.
Kinilala ni Capt. Glanery Cabeluza, hepe ng PNP Gamu, ang dinakip na si Marlon Jose, 37 anyos, may-asawa, ng Purok 4, Barangay Upi.
Pinangunahan ni Lt. George Gines, deputy chief ng PNP Gamu, ang pagsilbi ng search warrant mula sa sala ni Judge Angerico Ramirez ng 11th MCTC ng Gamu-Burgos, na may kinalaman sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril ni Jose.
Nakuha sa bahay ni Jose ang isang kalibre 38 na baril na may limang bala, 2 sitck ng marijuana at pinatuyong dahon na marijuana na binalot ng newspaper.(Rey Velasco)

Leave A Reply

Your email address will not be published.