Advertisers
TAHASANG inamin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na hindi raw nasunod ng ilang pulis ang operations sa kanilang isinasagawang drug operations kaugnay pa rin ng kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Base sa report ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa United Nations Human Rights Council (UNHRC), marami umong “nanlaban” cases ay hindi dumaan sa full examination ang mga narekober na armas at walang verification kung sino ang nagmamay-ari nito.
Wala rin umanong request para sa ballistic examination o paraffin test hanggang sa ito ay makumpleto.
Matatandaang Hunyo noong nakaraang taon nang ihayag ni Guevarra sa UNHRC sa isinagawang ika-44 session sa Geneva, Switzerland kaugnay ng pagbuo ng Department of Justice (DoJ) ng inter-agency panel magsasagawa ng review sa 5,600 police anti-drug operations mula noong 2016.
Sinabi ni Guevarra sa ika-46 UNHRC session na ang contingent mula sa DoJ ay na-examine na ang mga available records sa ilang key areas at cities kung saan nanggaling ang mga namatay habang isinasagawa ang illegal drug operations.
Kasama sa areas ang Bulacan, kabilang ang City San Jose del Monte; Cavite, kasama ang Bacoor City at bahagi ng National Capital Region.