Advertisers

Advertisers

Sinovac vaccines darating na sa Peb. 28

0 218

Advertisers

INANUNSYO ng Malakanyang na darating na sa Pebrero 28 ang 600,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang mga nabanggit na bakuna ay sasalubungin ng mga opisyal ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport.
Matatandaan na ang 100,000 doses na bakuna kontra COVID-19 ay donasyon ng China para sa Defense Department.
Una nang inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang mga bakunang darating sa bansa ay isasakay sa isang military aircraft. (Vanz Fernandez)