Doktor kulong sa ‘di pagsusuot ng face mask

88

ARESTADO ang isang doktor dahil sa hindi nito pagsusuot ng face mask sa checkpoint sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay Sto. Domingo, Cainta, Rizal.
Kinilala ang doktor na si Jayson Parina, 35 anyos, isang Vascular and Interventional Radiologist ng St. Luke’s Medical Center at residente ng 103 B. Sampaguita St., Bayanihan Village, Bgy. San Isidro, Cainta.
Ayon kay Police Corporal Mark Joseph Felezario, noong April 4 ng 7:30 ng umaga ay dumaan ang naturang doktor sa kanilang checkpoint at napansin ng mga otoridad na hindi ito nakasuot ng face mask.
Pinagsabihan ang doktor pero nagalit umano ito at nakipagtalo sa mga otoridad.
Palusot daw ng doktor, exempted sila sa pagsusuot ng face mask.
Sinampahan Si Dr. Parina ng kasong oral defamation at paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code.
Nakalabas na ng kulungan ang doktor matapos magpiyansa ng P6,000.

Leave A Reply

Your email address will not be published.