Magdyowa binoga ng sundalo nang tumanggi sumiping ang bebot

69

SUGATAN ang magkasintahan nang barilin ng sundalo sa Urdaneta, Pangasinan.
Ang 20-anyos na babaeng biktima ay pilit daw na isinasama ng sundalo sa inn kaya nagpasaklolo sa kaniyang nobyo.
Kinilala ang mga biktima na sina Celine Fernandez, 20; at Fernando Manzano, 28.
Naaresto naman ang sundalo na si Nicho Argos, kaibigan ni Fernandez.
Sa kuha ng CCTV sa labas ng inn, makikita ang pamamaril sa mga biktima na parehong nagtamo ng tama ng bala sa hita.
Ayon kay Fernandez, sumama siya kay Argos na mamasyal nitong Martes dahil sa kaibigan niya ito.
Pero nang pauwi na, nagtaka ang biktima dahil dinadala na siya ni Argos sa inn.
Kaya kaagad niyang tinawagan ang nobyong si Manzano para magpasaklolo.
“Pagdating ng boyfriend, according sa investigation, sinuntok niya yung suspek. Then immediately, itong suspek natin, considering na armed with firearm, binaril niya itong victim,” ayon kay Police Major Arturo Melchor, Public Information Officer, Pangasinan PPO.
Nakadetine ngayon sa Urdaneta Police station si Argos na nahaharap sa kaukulang kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.