Advertisers

Advertisers

Andres Centino bagong Army Chief

0 334

Advertisers

PORMAL nang itinalaga si Major General Andres Centino bilang bagong hepe ng Philippine Army kapalit ni Lieutenant General Jose Faustino na nakatakdang magretiro sa darating na Nobyembre ngayong taon.
Kinumpirma ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Sabado ng gabi, Mayo 15.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Lorenzana hinggil sa pagkakatalaga kay Centino sa bago nitong posisyon.
Si Centino ay commander ng 4th Infantry Division, sa Cagayan de Oro City.
Bago siya naging 4th ID Commander noong Mayo 2020, nagsilbi si Centino bilang 4th Infantry Division, which is based in Cagayan de Oro City.
Sa kabilang dako, si Faustino naman ang siyang dating head ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) sa Davao City.
Sina Centino at Faustino ay napapabilang sa Philippine Military Academy class of 1988.