Advertisers

Advertisers

COVID CASES SA NCR BUMABA NA NG 27%

0 269

Advertisers

NAKAPAGTALA ang National Capital Region (NCR) ng 27% pagbaba sa average na daily new COVID-19 cases o mas mababa pa sa 1,500 kaso na lamang, nitong nakalipas na linggo.
“The average new COVID-19 cases per day in the NCR decreased by 27 percent to 1,479 for the period from May 10 to 16, 2021,” base sa pinakahuling bulletin na inilabas ng OCTA Research nitong Lunes.
Ayon kay OCTA Research Fellow Prof. Guido David, ito ay magandang improvement mula sa dating 1,930 daily new cases.
Bukod dito, iniulat din ng OCTA na ang iba pang indikasyon hinggil sa pagkalat ng COVID-19 cases ay pababa na rin.
Sinabi ng independent research group, bumaba rin sa 0.57 ang reproduction number sa NCR, o yaong bilang ng mga taong naihahawa ng isang pasyente ng sakit, habang ang positivity rate ay bumaba rin sa 11%.
Nabatid na ang reproduction number na 0.57 ay nangangahulugan na ang bawat virus carrier ay nakapagta-transmit ng ‘less than one infection,’ habang ang 11% positivity rate naman ay doble pa rin sa ideyal na 5% lamang na itinatakda ng World Health Organization (WHO).
Samantala, ayon pa rin sa OCTA, ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa NCR ay nasa 10.71 per 100,000.
“DOH considers ADAR above 10 as high risk while an ADAR below 10 is classified as moderate risk,” anang OCTA.
Base sa DOH guidelines, pitong local government units (LGUs) na ang klasipikado bilang moderate risk, kabilang dito ang Navotas, Malabon, Manila, Taguig, Caloocan, Pasay at Muntinlupa.
Ayon pa sa OCTA, ang health utilization rate (HCUR) sa NCR hanggang noong Mayo 15 ay nasa 45%, na may intensive care unit (ICU) occupancy na 57%.
“DOH considers less than 60% utilization as safe,” anang OCTA Research. “Fourteen LGUs are classified as safe in terms of HCUR.” (Andi Garcia)

Covid update: 5,979 bagong kaso; 6,602 gumaling; 72 nasawi 
NAGLALARO na lamang sa mahigit apat na libo hanggang mahigit anim na libo ang naitatalang bilang ng kaso ng COVID-19 kada araw nitong nagdaang isang linggo.
Sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH) nitong Lunes, Mayo 17, umabot lamang sa 5,979 ang bagong kaso dahilan para maging 1,149,925 na ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
Samantala ay mayroon namang naitalang 6,602 na gumaling at 72 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (54,235) ang aktibong kaso, 93.6% (1,076,428) na ang gumaling, at 1.68% (19,262) ang namatay.
Muli namang hinikayat ng DOH ang lahat na magpalista sa kanilang mga LGU upang makasama sa mastelist ng pagbabakunahan laban sa COVID-19.
Ayon pa sa DOH, ang pinagsamang bisa ng ating masusing pag-iingat at dagdag na proteksyon ng bakuna, susi sa ligtas na pagsupil ng peligro ng pandemya. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)