Advertisers

Advertisers

Luis seryoso na sa pagpasok sa politics

0 276

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MUKHANG ngayong taon ay seryosohan ang galawan kay Luis Manzano. Kilala kasi si Luis sa showbiz world at ng kanyang mga kaibigan na sadyang masayahin at mapagbiro.

Pero nang inilabas na nila ng misis na si Jessy Mendiola ang mga larawang kuha nang ikinasal sila privately na bukod tanging mga malalapit sa puso ng dalawa ang naroroon.



Ngayon naman ay tila may bago na naman paramdam na seryosong bagay si Luis. Sa kanyang live streaming sa social media ay nagkaroon ng open conversation at ang isa sa napukol kay Luis na tanong ay ang tsikang balak niyang tumakbo ngayong darating na halalan. Tulad ng showbiz ay kinalakihan na rin ni Luis ang politics.

Ang kanyang ina na si Ms. Vima Santos ay dating Mayor sa Lipa at ngayon ay representative ng naturang bayan. Samantalang ang kanyang ama na si Edu Manzano ay dating vice mayor sa Makati  kaya no wonder sakali man na pasukin na rin ni Luis ang politics.



“Wala pa, pero malay natin. Nakikita ko, baka naman nasa horizon ‘yan, ang pagiging isang pulitiko.

Naniniwala ako na lahat tayo meron tayong obligation o responsibility to serve. We have different capacities. Puwedeng from a simple act of service, or through public service talaga. Para sa akin, hindi ko sinasara ang pinto ko sa pulitika,” say ni Luis.



At nang kinulit si Luis kung anong posisyon ang balak niyang takbuhan sakali man na maisip na niya talagang maging politician?

“Tingnan natin kung tatakbo ako, tingnan natin kung ano’ng posisyon.  Ang filing ng candidacy ay October, kung hindi ako nagkakamali. Puwedeng-puwede pang humabol, kung sakali man,” dagdag pang say ni Luis.

knowing Luis pag yan ay ‘di seryoso sa isang bagay ay tatawanan lang niya pero by this time ay binigyan ng magaling na aktor/host ng panahon ang sarili mag-isip kung papasukin na nga ba niya ang mundo ng politics.

***

KAPANSIN-pansin ang pagiging bihasang host ni Ruru Madrid at all-out na siya sa kanyang hosting job na mapapansin sa Sunday noontime variety show ng GMA7 “All Out Sunday”. Ngayon naman ay binigyan si Ruru ng oportunidad ng kanyang mother studio na maging isang talent game show host sa pamamagitan ng pagiging co-host ni Sef Cadayona sa “Games of the Gen” matapos magdesisyon si Andre Paras na iwanan na ang showbiz at mag-concentrate sa  kanyang pangarap na makapaglaro ng professional basketball katulad ng kanyang amang si Benjie Paras. Si Andre ang original co-host ni Sef sa naturang show ng GTV.

Sa mga naunang episodes ay nagsimulang mag-co-host si Ruru sa “Games of the Gen” at agad napansin na may chemistry sila ni Sef.

“Hindi na naging mahirap ‘yung adjustment ko dito sa project na ito kasi nandiyan si Sef para i-guide ako,” sabi ni Ruru.

Hindi rin naman pinalagpas ni Sef ang pagkakataon na sagutin ang tinuran ng bagong co-host.

“It only takes a few reviews before the show starts, doon ako nabibilib talaga kay Ruru, tsaka ‘yung ooze ng confidence eh,” sabi ni Sef.

So far masasabing si Ruru ang isa sa talent ng Siyete na abalang-abala sa mga show tulad na lang ng sa “All Out Sunday” “Games of the Gens” at ang serye nila ni Shaira Diaz na “Lolong” na sinasabing pinakamagastos na serye ngayong taon.