Advertisers

Advertisers

Robin rumesbak sa bashers sa pag-swab sa sarili

0 393

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NABABATIKOS si Robin Padilla nang mag-viral ang video niya na isinasagawa niya ang Covid-19 swab test sa sarili niya.

May netizens kasing nagsabing dapat na health professional lang daw ang awtorisadong magsagawa ng nabanggit na test.



Ayon naman kay Robin, wala siyang nakikitang masama kung siya ang mag-administer ng swab test dahil marunong daw naman siyang i-perform ito dahil tatlong beses sa isang linggo siya nagpapa-swab.

Katuwiran pa niya, ginawa raw niya ang nasabing procedure dahil walang available na health professional na mag-aasiste sa kanya.



Tinawag pa niyang ‘pa-cute’ o ‘pa-baby’ ang mga taong naghihintay ng health workers para maalalayan sila kung puwede naman nila itong magawa sa kanilang sarili.

“Kung hindi mo po kayang gawin mag isa wag mo po gawin walang pumipilit po sa inyo. Gawain po ito ng mga sanay na sa testing at magbanat ng mga buto, lalo kapag kailangan makisalamuha sa mga katrabaho lalong lalo sa gitna ng karagatan.



“Tanggapin niyo man po o hindi sadyang may mga taong katulad namin na hindi pa baby, hindi aasa na lang sa magaganap! Ang lahat ng paraan ay gagawin ng isang mandaragat para makapagpatuloy na makapaglayag.

“Kung meron nurse o doctora abay napakaganda pati sa tanawin pero kung wala at sanay ka ng katulad po namin dahil sa isang linggo ay 3 beses po naming ginagawa ang swab test eh MANHID na Lang ang butas ng Ilong ng Taong hindi po matuto.

“Kaya hindi tayo umaasenso mga kabayani

“Malakas ang loob natin sa katarantaduhan at kawalanghiyaan pero kapag sa kapakanan ng sarili at ng mga kasama sa Paligid mo ang dami natin NGAW NGAW kesa sa gawa. Konting balls lang naman po ang kailangan mga TOL

“2 taon na po ang covid kung wala ka pa rin natutunan lalo ang mag test sa sarili mo kung walang available na health frontliner sa lugar mo abay masyado ka ng nagpacute,” pahayag niya.