Advertisers

Advertisers

GJ Carlos “Crush Back” ang debut single

0 603

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG newbie recording artist na si GJ Carlos ay naglabas ng kanyang debut single, titled Crush Back. Ito ay released under PEP Profiles Entertainment, Inc. at available na sa lahat ng digital platforms.

Paano niya ide-describe ang kanyang single?



Sagot ni GJ, “Crush Back is a song about a person who likes someone so much and wishes that person to like him back po.”

Aniya pa, “The song was composed by my Kuyas Patrick Mark Armada and Jhonatan Padit. Music by Kuya Elmer Jan Bolano who also did “Nung Tayo Pa” ni Janella Salvador and “Laon Ako” ni Kakai Bautista. Both songs are entries in song writing compositions.”

Ano ang masasabi niya sa klase ng kanyang music?

Esplika ng binatilyo, “Siguro po novelty, feel good music and rythmic. It has to have a certain vibe na dapat catchy. Sa “Crush Back” as the song progresses, maririnig mo yung instrumentation at mapapasayaw ka.”

Si GJ ay 17 years old at nag-aaral sa Claret School of Quezon City bilang senior high this coming school year. Siya ay tubong Tuguegarao, Cagayan and Bagac, Bataan.



Nagsimula siyang magkaroon ng hilig sa pagkanta sa murang edad na apat. Nagpakita siya ng husay sa WCOPA nang sumabak siya rito noong year 2017.

“To sum it up I have two Grand Champion awards and three First runner-up. I stop joining our music fest after I competed in WCOPA in 2017 as per advise of my parents and adviser.

“My best performance sa aking career so far is when I competed internationally at the 21st Annual World Championships of Performing Arts back in 2017 in Los Angeles, USA where I bagged four medals, three silver medals and one bronze.”

Sino ang kanyang mga musical influences, local and foreign?

“My musical influences are varied. Sa local si Kuya Jed Madela and the one and only Ms. Lea Salonga. Sa foreign naman po, there’s Boy Pablo and Billie Eilish po.”

So far, ano’ng masasabi niyang biggest achievements as an artist?

Saad ni GJ, “Dati po sinasabi ko ang pagsali sa WCOPA at pagtanggap ng mga medalya. Pero as of now, masasabi kong biggest achievement ko as an artist ay ang paglabas ng single ko.

“Kasi, not everyone is given the chance pero salamat kay Lord, sa parents, ko at sa PEP, at nabigyan ako ng opportunity na ganito,” masayang wika pa niya.