Advertisers

Advertisers

Julia diniin, ‘di bad influence ang dyowang si Gerald

0 237

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HINDI  maaalis na kahit pa mahal na mahal nina Julia Barretto at Gerald Anderson ang isa’t isa ay may mga bashers na hahanapan ng ‘butas’ ang pagmamahan ng dalawa.

Tulad na lang ng tsikang hindi raw dumalo si Julia sa kaarawan ng inang si Marjorie Barretto dahil sa enjoy na enjoy raw ang dalaga na samahan ang boypren na mag-fishing.



Kaya marami ang nainis kay Gerald na lumabas na  bad infuence kay Julia pagdating sa pakikisama nito sa pamilya.

Madiin naman itong pinabulaanan ni Julia at sinabing hindi bad kundi  good infuence ang boypren niya.



“This question made me quite emotional thinking about all the improvement I’ve noticed in myself since being with him.

“I’m not sure he realizes the impact he’s had in my life. Gerald has made all my complicated, simple. In all situations, he helps put things into proper perspective for me,” tinuran ni Julia.



Bukod pa paggabay sa kanya ng boypren ay pinagmalaki rin ni Julia na si Gerald ang nagturo sa kanya na magpakumbaba.

“He has grounded and humbled me as a person. I am grateful everyday that I have a partner that looks out for me, fuels me and drives me to become a better person, for everyone and most especially for myself.

“Gerald off-cam is a funny guy. I don’t think this is a side of him many know. He has a unique humor that cracks me up all the time,” dagdag ng young actress.

***

GLADYS REYES MINERAL WATER ANG PINAMPAPALIGO KAYA FLAWLESS

LAKING gulat ng magaling na character actress na si Gladys Reyes nang makarating sa kanyang kaalaman sa pamamagitan ng Question and Answer portion ng kanyang social media blogsite ang katanungan na para raw ma-maintain ang kanyang super kinis at flawless na kutis lalo na yung mga hita niya ay mineral water daw ang ginagamit niya na pampaligo.

Pinagtaasan lang ito ng kilay ng aktres sa pagsasabing fake news ang nabasa ng kanyang follower.

“Hindi po totoo. Chismis lang yun hahaha! At saka hindi rin totoo yung sinasabi nila na naliligo ako ng mineral water, hindi po totoo yun. Chika lang yun” ayon kay Gladys.

Binigyan linaw na rin ni Gladys ang tsikang matagal-tagal na rin na ikinakabit sa kanya since “That’s Entertainment” days niya palang na naka-insurance umano ang kanyang makinis na hita ng halos isang milyong piso.

Paliwanag ni Gladys na ang kanyang ina umano ang naging maingat sa kanyang balat mula nang bata pa siya at nadala niya ang pag-iingat sa sarili hanggang sa kasalukuyan.