Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
VIRAL ang naging hugot ni Angelica Panganiban kaugnay ng pagkadismaya umano niya sa pang-iisnab sa kanya ng Red Cross sa Olongapo.
Sa kanyang hanash, binanggit nito na nauna pang asikasuhin ng medical workers ang mga huling dumating kaysa kanila.
Gayunpaman, isang frontliner naman ang nagpaliwanag sa kanya na kaya hindi siya maasikaso ay dahil nauna ang mga inirereklamo niyang tao dahil may online appointment ang mga ito.
Sa kanyang emote, naungkat din ng aktres ang kanyang hindi magandang karanasan nang magpa-swab siya sa Red Cross sa Subic.
“Nung huling beses ako nag pa swab sa red cross, muntik akong mabaliw. Nag padala sila ng email na positive ako sa covid. Pero yung attachment result, negative ako. Ginawa nila yun sa buong olongapo guys nag sorry naman sila after 12 hours,” aniya.
Dahil sa kanyang pagrereklamo, nakatanggap siya ng pambibira sa netizens.
Anila, sobra raw feelingera at pasaway ng aktres.
Hirit nila, hindi porke’t artista raw ito ay dapat mag-demand na ito ng special treatment.
Dapat, matuto rin daw itong pumila lalo pa’t nauna nang sinabi ng frontliner na may prior online appointment ang mga taong kasabayan niya.
Ito ang ilang pambabatikos na natanggap niya sa mga dismayadong health care workers at netizens.
“Be grateful na lang sana na na-iswab ‘yung kasama mo ma’am, without queueing at maramdaman ‘yung init sa tent while waiting for their turn. May appointment lahat ng nagpa-swab today, and hopefully kayo rin para valid ‘tong rant mo, ma’am. eople who were swabbed before you sa parking, (were) actually (ill) and ‘yung isa nga ambulansya pa eh. ‘Di mo ba kita, ma’am? Ang pagiging artista ma’am ‘di kasama sa priority list, yet, lumabas ako to swab ‘yung kasama niyo.
“Ä lot of us depend on them to give us timely results for our patients. ‘Wag kasi sa socmed (social media) dinadaan. Huwag gamitin ang celebrity status para siraan ang isang unit na nagta-trabaho naman at nakakatulong sa madla. Kung may ‘palakasan’, you can make a formal complaint thru letter or kausapin mo ang person in-charge there. That’s how we do it,” sey ng isang doktor.
“In the medical world kasi, we exercise prioritization. It is called Triaging. It’s a balancing act: Clinical + Practicality vs Compassion + Passion. IQ must go hand in hand with EQ & SQ,” dugtong niya.