Advertisers

Advertisers

Joaquin ayaw ma-pressure sa pagkukumpara sa erpat na si Yorme Isko

0 261

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

GUMAGAWA na ng sariling pangalan ang Kapuso actor at cutie na si Joaquin Domagoso sa kanyang pagsabak sa pag-aartista.

Katunayan, klik at marami ang kinikilig sa tambalan nila ni Cassy Legaspi sa GMA-7 teleseryeng First Yaya.



Gayunpaman, hindi maiiwasang maikumpara siya sa tagumpay ng amang si Manila Mayor Isko Moreno.

Ani Joaquin, nang pasukin daw niya ang showbiz ay inihanda na niya ang sariling maihambing sa daddy niya na isang high-profile politician.



Pero, ayaw daw niyang magpaapekto sa pagwawangis sa kanilang dalawa ni Isko.

Aniya, inspirasyon daw niya ang buhay ng ama na matagumpay na napaglabanan ang karalitaan sa pamamagitan ng sariling sikap at tiyaga.



Proud din siya sa pagiging effective public servant nito at sa nagagawa nito para sa kanyang constituents.

Paliwanag pa niya,  gusto lang daw niyang i-enjoy ang kanyang ginagawa at hindi magpa-pressure sa achievements ng ama mapa-showbiz man o pulitika.

Kung coño boy man ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa exclusive school siya nakakapag-aaral, inirerespeto raw niya ang opinyon iyon.

Hirit pa ng bida ng Caught in the Act, ang bagong directorial effort ni Perry Escaño, ang pag-aartista ay talagang hilig niya.

Katunayan, gusto rin daw niyang magka-award bilang aktor at makilala sa kanyang larangan.

First movie lead role ni Joaquin ang pelikulang “Caught in the Act,” isang comedy, mystery-crime adventure movie kasama ang PBB runner-up na si Andy Abaya.

Excited siya sa proyekto dahil first time makakatrabaho ang isang Kapamilya.

Bilang isang millennial, nakaka-relate rin daw siya sa kuwento nito.

Sa kuwento, kasama ang ilang mga kaklase ay makakaimbento sila ng isang mobile app na makatutulong sa mga tao na ireport o pigilan ang anumang krimen.

Kasama rin sa pelikula sina Josh Lichtenberg, Bamboo B.,at Jhassy Cruz Busran.

Nasa supporting cast naman sina Karel Marquez, Lance Raymundo, Shido Roxas, John Gabriel, Tony Co, EJ Panganiban, Roy Sotero, Ella Sheen, Jiana Aurigue at Edna Hernandez.