Advertisers

Advertisers

COVID-19 CASES SA NCR TUMATAAS ULI!

0 391

Advertisers

NAGBABALA ang isang grupo ng mga eksperto sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na maging mas maingat pa lalo na ngayong unti-unti na naman tumataas ang naitatalang mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa pinakahuling ulat ng OCTA Research Group, sinabi nito na mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, ay tumaas ng 0.68 mula sa 0.57 lamang ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region o ang dami ng tao na maaaring mahawa ng isang COVID-19 patient.

Nabatid na tumaas din ng 8% ang ‘seven-day growth rate’ sa Metro Manila na naitala sa 1,135 average kada araw.



Sinabi ng grupo na maliit na pagbabago lamang ito ngunit ipinaalala na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon muli ng pagtaas ng COVID-19 cases simula nang marating ang peak ng COVID-19 surge noong Abril.

Nananatili pa rin naman sa moderate risk ang klasipikasyon ng Metro Manila dahil sa 8.22 average daily attack rate (ADAR).



Samantala, sa buong bansa naman ay nakapagtala ng pagtaas sa reproduction rate na 1.09 habang umakyat din ng 37% ang ‘seven-day growth rate’ sa 6,699 na mga bagong kaso. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">