Advertisers

Advertisers

Rica umamin, napagod kaya umalis sa showbiz

0 176

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang panayam, ipinahayag ni Rica Peralejo kung bakit nagdesisyon siyang iwan ang showbiz noong panahong aktibo pa siya.

Ani Rica, marami siyang realizations sa buhay  na naging dahilan upang talikuran niya ang batu-balani ng limelight.



Aniya, dumating daw kasi sa puntong napagod siya.

Sa batang edad na 12 ay nagtratrabaho na raw kasi siya.



Pinasok din niya ang pagpapa-sexy dahil bread trip daw ito sa kanya dahil noong panahong iyon ay  siya ang nagpro-provide o tumutulong sa kanyang pamilya.

Pagbabahagi pa ni Rica, na-realize raw niya na gusto naman niyang pagbigyan ang kanyang sarili, mabuhay nang normal na malayo sa spotlight.



Sey pa niya, noong nag-aartista raw talaga siya, naranasan niya ang lahat, ang lahat ng extremes, ang karangyaan, katanyagan at dumating din siya sa puntong walang-wala at napatanto niya na tila may  hinahanap siyang laging kulang.

Nang talikuran niya ang showbiz, inamin daw niya nangamba siya dahil nag-worry siya kung paano susuportahan ang mga taong umaaasa sa kanya.

Dumating din siya sa puntong naging smoker, palainom at  laging failure ang kanyang mga relationships.

Ito raw pala ay parang wake up call sa kanya ng Diyos para gisingin siya sa kanyang buhay.

Kwento pa ni Rica, maraming beses siyang naanyayahan noon na pumunta sa mga Bible study ngunit iniwasan niya umano ito.

Ibinahagi rin niya ang papel ni Sam Milby na naging daan para mapunta siya sa simbahan.

Niyaya raw siya nito at doon niya narinig ang kwento ng bleeding woman na nagkaroon ng malaking epekto sa kanya.

Sa ngayon, happy na si Rica sa piling ng kanyang pamilya at sa bagong relasyon niya sa Diyos.