Advertisers

Advertisers

Laban sa terorismo ng komunista isyu sa halalan: Daloy ng suporta sa NTF-ELCAC ikinatuwa

0 180

Advertisers

TODO ang inihayag na suporta ng partidong PDP-Laban para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), isang indikasyon na patuloy na dumarami ang pagbuhos ng suporta lalo ng mga lokal na opisyal na wakasan na ang 53-taon nang panggugulo ng komunistang-terorista sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, isa sa mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC, matapos maglabas ng isang resolusyon ang PDP-Laban na panatiliin at dagdagan ang pondo ng Barangay Development Program (BDP) ng task force.

Ito raw ay patunay na may patuloy na pagdaloy ng suporta sa natatanging programa ng pamahalaan, gaya ng nauna nang naihayag ni National Security Adviser, Hermogenes Esperon Jr.



Nasaksihan mismo ni Malaya ang pagpasa ng resolusyon ng partido sa ginanap na PDP-Laban National Council sa Cebu noong Lunes, kungsaan isinulong ni Eastern Samar Governor Ben Evardone na ibigay ng partido ang todo-suporta nito sa P16.4 bilyong pondo ng BDP na nais ipabuwag ng mga kritiko at ilang pulitiko.

Ang resolusyong nabanggit ay sinang-ayunan ng mahigit 100 miyembro ng National Council kabilang sina Senador “Bato” dela Rosa, “Tol” Tolentino, Speaker Lord Allan Velasco, Secretaries Alfonso Cusi, Wendell Avisado, Sonny Dominguez, MMDA Chairman Benhur Abalos, ULAP Chairman Presbiterio Velasco at mga kongresista, city mayors at governors.



Ang pulong ng PDP Laban National Council ay pinangunahan ng Vice Chairman ng partido na si Cusi bunga ng direktiba galing kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Para naman kay Esperon, na Vice-Chairman ng NTF-ELCAC, ito raw ay “very positive development,” dahil ramdam na at ikinatuwa narin ng mga Filipino ang BDP.



Sabi ni Esperon, mayroon nang 518 barangay, 366 siyudad at munisipalidad, 20 probinsiya, ang nakapaglabas na ng kanilang mga resolusyon na sumusuporta sa inisiyatibang ito ng pamahalaan na tinuran niyang “game-changer.’

Sabi naman ni Malaya, anim na rehiyon ang may 100% na nagdeklara na persona non grata ang CPP-NPA-NDF sa Central Luzon, MIMAROPA, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at ang Cordillera Administrative Region.

Sa Metro Manila, siyam na siyudad na ang nagdeklara rin na persona non grata ang mga CPP-NPA-NDP sa kanilang mga lugar. Ito ay ang Caloocan, Las Piñas, Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas, Pasig, Quezon, San Juan, at Valenzuela.