Advertisers
MULING tumataas ang bilang ng bagong kaso na naitatala kada araw base na rin sa mga datos na inilalabas ng Department of Health (DOH) sa nagdaang ilang araw.
Sa pinakahuling tala ng kagawaran, nadagdagan pa ng 7,217 ang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Hunyo 3.
Samantala ay mayroon namang naitalang 3,483 na gumaling at 199 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (55,790) ang aktibong kaso, 93.8% (1,170,752) na ang gumaling, at 1.71% (21,357) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 01, 2021 ngunit mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Dahil sa nakikitang pagtaas muli ng kaso sa bansa, muling nagpaalala ang DOH sa publiko hinggil sa bisa ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards upang mapigilan na ng tuluyan ang pagkalat ng infection ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)