Advertisers

Advertisers

Sotto tutol sa 14-day quarantine sa pagpasok ng bansa ng mga fully vaccinated vs COVID-19

0 177

Advertisers

UMAPELA si Senate President Vicente Sotto III sa pamahalaan na alisin na ang 14-day quarantine period sa mga indibidwal na papasok sa Pilipinas partikular ang mga bakunado na kontra COVID-19.

“Calling on IATF/DOH (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases/Department of Health) to remove the 14-day quarantine on fully vaccinated persons entering the Philippines as long as health standards are followed,” wika ni Sotto sa isang pahayag.

Ayon kay Sotto, taliwas umano ito sa layunin ng pagbabakuna ng publiko na mabuksan na ang ekonomiya ng bansa ang pagpapatupad ng dalawang linggong quarantine lalo na sa mga indibidwal na kumpleto na ang bakuna.



Nagdadalawang-isip din aniya ang mga negosyante o maging ang mga Filipino na pumasok sa bansa kahit bakunado na.

“Vaccinated investors won’t come because they have to quarantine or even Filipinos who are vaccinated are having second thoughts,” banggit pa ni Sotto.



Matatandaang inihayag ng DOH na wala pang sapat na ebidensya upang masabi na ang isang indibidwal na nakatanggap na ng dalawang doses ng isang bakuna sa COVID-19 ay hindi na maaaring magkasakit at mahawahan ang ibang tao. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">