Advertisers
NAKATAKDANG ipatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga online lending companies na inirereklamo ng pangha-harass sa mga nangungutang sa kanila sa Facebook.
Sinabi ni NPC Commissioner Raymund Liboro na pagpapaliwanagin nila ang online lenders at kapag nabigong masagot ang mga reklamo ay pahaharapin nila ito sa legal na aksyon ng NPC.
Katunayan, may isang kompanya na silang inirekomeda para ma-prosecute.
Una nang naglabas ang NPC ng circular sa mga online lending apps kungsaan ipinagbabawal ang pag-access sa contact list ng mga nangungutang at paggamit sa social media para maningil at mamahiya.