Advertisers

Advertisers

9 pekeng pulis at sundalo arestado sa checkpoint

0 315

Advertisers

ARESTADO ang siyam na kalalakihan na nagpakilalang mga opisyal ng PNP at ng Philippine Army nang maharang ang mga ito sa isang checkpoint sa San Jorge, Samar.

Sa ulat, nakuhanan ang mga inaresto ng pekeng IDs at pekeng travel authority mula umano sa Malacañang.

Nakumpiska rin mula sa grupo ang ilang hindi lisensyadong baril at mga communication equipment.



Ayon sa hepe ng San Jorge Municipal Police Station na si Captain Cañete, pinahinto sa checkpoint ang sinasakyan ng grupo dahil kahina-hinala ang mga ikinikilos ng mga ito.

Hinanapan ng mga bantay sa checkpoint ng travel authority ang grupo at isang papel daw mula sa Malacañang ang ipinakita ng mga ito na pinapayagan silang bumiyahe patungo sa Maynila mula Mindanao at pabalik.



Nang hanapan ng mga pulis ng ID ng grupo ay nagpakita naman daw ang mga ito ng kanilang ID na nagsasabing sila ay mga opisyal ng PNP at Philippine Army.

Ayon kay Capt. Cañete, naghinala na siya na peke ang mga ID at travel authority ng grupo kaya agad niya itong ipina-verify sa Maynila, at lumabas na peke nga at walang pangalan ng mga opisyal na tugma sa ID.



Bukod sa mga baril at communication equipments, nasamsam din mula sa grupo ang mga bala ng baril, bullet proof vest, at Philippine Army at PCG uniform.