Advertisers

Advertisers

Sara-Bong Bong Llmado sa 2022

0 575

Advertisers

TILA unti-unti nang lumilinaw ang mga personalidad na papalaot sa pangpanguluhang eleksyon sa Mayo 2022.

Gaya ng mga naglalabasang resulta sa iba’t ibang surveys na isinagawa,nananatiling bumabandera at lalo pang lumalaki ang kalamangan ni Davao City Inday Sara Duterte Carpio.

Tanging ang pangalan na lamang ng makaka-tandem ng presidential daugther ang pinagtatalunan.



Ayon sa pinakahuling pasabog sa social media ni Congressman Rolando Andaya Jr.,posible umanong si former DND Secretary Gilbert Teodoro ang maging runningmate ng Davao City mayor at ayon pa kay Andaya ang pagtatambal ng dalawa ay isang “done deal” na!

Bumisita sina Teodoro at Andaya sa Davao City nito lamang isang linggo upang batiin si Inday Sara sa pagdiriwang ng ika-43rd na kaarawan nito.



Maaring may ilang naniwala sa gustong palabasin ni Andaya patungkol sa Sara-Gibo tandem para sa 2022 national elections pero sa pananaw ng maraming political experts at operators,malabo itong makapangyari dahil may ilang aspirants pa na mas malakas at mas karapat- dapat para itambal kay Inday Sara Duterte.

Mga pangalan na sa una pa lamang ay maingay at pinag- uusapan na.



Para sa inyong lingkod,kung runningmate ni Inday Sara ang pag-uusapan,ang tiyak na papatok na makatambal ng mayora ng Davao City ay yung taong may malaking pangalan sa mundo ng pulitika at may solidong balwarte na sasalukan ng tiyak at sigurarong boto.

Sino pa ba kundi si former Senator Bongbong Marcos na hawak ang rich-vote Ilocandia’s solid North hindi lamang ngayon kundi ng mahabang panahon.

Isang moog na matibay ang alyansa ng mga Duterte at Marcoses mula pa noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa tambalang ito,combined forces ang mga taga South at Norte na isang tunay na formidable tandem na sadyang walang katapat.

Kaya naman di na tayo magtataka kung tila atras- abante na ang pambato ng oposisyon kung tatakbo ba o hindi sa May 2022 elections.

Sino naman ang papasok sa isang laban na tiyak ang katalunan.

Hindi lamang pag-aaksaya ng kuwarta at oras ang tiyak na kakaharapin kundi malaking kahihiyan.

Speaking of other political parties na posibleng magfield ng kandidato sa May 2022, naniniwala tayong tutuloy na tumakbong presidente si Senator Manny Pacquiao dahil buong buong na sa kaisipan nito na malakas siya at mananalo.

Kung sino man ang tumatayong political adviser ni Pacman sa ngayon ay binabati at kino-congratulate natin napagaling nitong mangbola at mang- uto!

Magaling ang ginawa nitong sa pagbilog sa ulo ni Sen.Pacquiao na may chances itong manalong presidente hehehe.

May pera si Pacquiao kung kaya maraming grupo ang puwedeng sumuporta dito gaya ng mga buwayang pulitiko na kuwarta lang habol.

Kung kaya ng mga ito na mag-ambag ng tiyak na boto para kay Pacman para ito manalo is another story.

Lalabas lamang na kawawa sa bandang huli itong si Senador Manny.Ang masakit pa,baka malusaw na lamang ang kanyang pinaghirapang salapi at yaman pagkatapos ng eleksyon.

We dont have anything against the boxing champ.Ang sa atin lamang ay ang ating paniniwala na wrong timing at isang suicide ang gagawin nitong pagbangga sa mga Duterte sa panahong ito.

Iadvised si Manny ng mga taong nakapaligid sa kanya.Ang presidency ay di minamadali at lalong di madadaan sa dami ng pera at kasikatan.

Remember FPJ na no doubt ay sikat na sikat at mahal ng napakaraming Pilipino pero sinamangpalad na natalo.

The likes of Manny Villar na sandamukal ang kuwarta pero natalo rin sa presidential race.

Lesson learned; ang pagiging pangulo ay destiny at di puwedeng ipilit.

Maraming indikasyon at hint na puwedeng masalamin ang panalo ng isang kandidato sa pagkapangulo.

Pero sa kaso ni Pacquiao,lahat ng indikasyon is leading to his doomsday kung ipagpipilitan nito ang kanyang tigas ng ulo at pagiging sobrang ambisyoso.

Walang pangalawang glorya ika nga.

Nagtagumpay ka na sa larangan ng boksing,wag ka na mang maging sobrang suwapang.

Again for us,it will be a walk in the park for Inday Sara Duterte sa presidency.Ang kuwestiyon na lamang dito ay kung kaya bang maging landslide din sa vice presidency ang ka-tandem nitong si Bongbong Marcos?

It is for the people to decide.

Pero sa ganang atin,karapat dapat naman talagang manalo si BBM.

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com