Advertisers
ITO ang inanunsyo ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon. Kailangan lamang kumuha ng mga ito ng clearance mula sa kanyang doktor upang makapagpaturok ng bakuna.
“Kung meron hong isang bata na 16 to 17-year-old with comorbidity na kasama sa ating rekomendasyon, maaari naman siyang mabigyan. Kailangan lang mayroon siyang clearance mula sa kanyang doctor,” ani Vergeire sa panayam sa Teleradyo.
Samantala, pinag-aaralan pa, aniya, ng ahensiya ang panukala at emergency use applications para sa paggamit ng coronavirus jabs sa mga bata.
“Children have the lowest risk of getting hospitalized or severe infections of COVID-19 and because of scarcity of supplies currently in the country atin munang itutuloy ang priority framework,” sabi ni Vergeire.
Una nang sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na kinakailangan ng pamahalaan na bumili ng 60 milyon pang COVID-19 vaccine doses kung isasama ng pamahalaan ang mga bata sa vaccination program. (Andi Garcia)