Advertisers

Advertisers

Edward suportado ang pagsosolo ng kalabtim na si Maymay

0 269

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HABANG umaarangkada ang career ni Edward Barber sa pagho-host, patuloy naman ang pamamayagpag ng kanyang dating love team partner na si Maymay Entrata sa music scene.

Kamakailan lang, nag-release si Maymay ng kanyang bagong single na may titulong “Di Kawalan.”



Ani Maymay, dedicated daw niya ito sa mga taong nasaktan na nahihirapang maka-move on.

Inspired din daw ito ng pinagdaanan niya sa buhay bagama’t wala siyang tinumbok kung ito ay may kinalaman sa kanilang relasyon ng ka-love team.



“Isa po siyang mensahe o reminder po roon sa mga taong nasaktan, doon sa mga taong na-broken heart at sa mga taong tinatawag nilang ‘marupok’ na hindi maka-move on. Alam mo ‘yon ‘yung kahit itinataboy na sila ay gusto pa rin nilang bumalik doon sa taong minahal nila, doon sa taong nanakit sa kanila,”aniya.

Sa kaso naman ni Edward, proud siya sa bagong achievement ni Maymay.



Aniya, mananatili raw siyang supporter ng dating ka-love team.

“I am really proud that she’s doing that. Napag-usapan din namin, the two of us, before, the meaning of the song and how she really wants it. Super hands-on din siya sa music video and the dance, even ‘yung pagbuo ng kanta, the way that she wanted it. ‘PBB’ pa alam ko na may ganyang side siya, like she wrote ‘Baliw,’ she wrote so many different songs,” sey ni Edward .

Kahit daw may pinagdaanan ang kanilang love team, happy daw siya sa tinatahak ng mga karera nila sa ngayon.

“I will be supporting, I will say from a distance kasi hindi ako ang lagi niyang kasama sa stage at I am okay with that because I can’t dance the way that she dances. Pero it’s always great to see her and I am so proud of her,” ani Edward.

Nagbigay din Edward ng mensahe sa dating PBB alumna na kasama niya sa Bahay ni Kuya.

“Maymay, if you are watching this congratulations to you kasi super successful ‘yung music video, super successful ‘yung kanta at sure ako na magiging successful ang career niya in performing arts,” sambit ni Edward.

Sina Maymay at Edward ay huling nagtambal sa romcom na “Princess DayaRess.”