Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,389 bagong kaso; 6,667 gumaling; 118 nasawi

0 479

Advertisers

UMAKYAT na sa 1,327, 431 ang kabuuang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,389 bagong kaso nitong Martes, Hunyo 15.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,667 na gumaling at 118 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (58,063) ang aktibong kaso, 93.9% (1,246,405) na ang gumaling, at 1.73% (22,963) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 13, 2021 habang mayroong 16 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 16 labs na ito ay humigit kumulang 5.5% sa lahat ng samples na naitest at 7.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">