Advertisers

Advertisers

Sino dapat ka-Big 3 nina LBJ at AD?

0 324

Advertisers

SA era ng superteams ay kailangan ng LA Lakers na makisabay. Nakaya nila ang Disney bubble na mega-duo lang nguni’t sa susunod na season ay hindi na pumuwede. Nagpalakas din kasi ang ibang mga koponan. Pinakahalimbawa ang naganap sa Brooklyn na mayroon ng Kyrie Irving-Kevin Durant combi ay isinama pa si James Harden. Tapos dumating din si Blake Griffin pati si LaMarcus Aldridge na bigla namang nagretiro.

Pero hindi si Chris Paul. Hindi si Kawhi Leonard. Hindi si Kyle Lowry. Lalong hindi naman Russell Westbrook ang missing piece ng prangkisa ng mga Buss.

Paniwala ng barkadahan sa pondahan ay hindi sila uubra dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.



Si Leonard umayaw na dati. Si Paul kasing-tanda na ni LeBron James. May edad na rin si Lowry.

Si Westbrook naman ballhawk gaya ni LBJ.



Sa mga na binabanggit si Westbrook lang ng Washington ang hindi free agent ngayong summer. Sa apat sina Westbrook at Paul na lamang ang walang NBA na singsing.

Mga suweldo nila ay nasa $30M pataas kaya mahigit na sa $100M ang magiging suweldo ng Lakers sa tatlong supestar. Si James ay $41 samantalang si Athony Davis naman ay $35 na.



Pero kailangan ng LA Lakers ng isa pang maaasahan dahil mag-37 na si King James at malimit ay may injury naman si LeBrow. Payag naman si Jeannie Buss na magbayad ng luxury tax.

Sinubukan nilang maging ka-troika si Kyle Kuzma o si Dennis Schroder nguni’t hindi umubra. Inconsistent ang dalawa.

Sana si Andre Drummond na idinagdag sa bandang huli kaso hindi rin nag-klik,Ang napagkasunduan ng mga nasa pondahan ni Aling Barang ay si Damian Lillard ng Portland. 31 anos lamang.

Matindi kagustuhan niyang magkatitulo na mahihirapan siya makuha sa Blazers. Swak siya sa pinaka-need nina AD na isang consistent sa tres. Malayo pa ang range. Oks din siya kina LBJ.

Ang problema lang ay $39M na suweldo niya. Nahigitan pa si Davis. Kailangan din ma-trade sina Kuzma at Kentavious Caldwell-Pope at sign and trade naman si Schroder.

Siyempre mas nanaisin ng Trailblazers na sa East mapunta si Lillard upang hindi nila maging karibal sa West.

Kaso nananaig na madalas ang player kung saan niya gusto maipagpalit. Ganyan naging sitwasyon mismo ni Davis.

Abangan ang mga magaganap sa susunod na mga buwan.

***

Pagkatapos ni Doland Castro noong Lunes sa OKS ay isang pang hebigat ang panauhin sa ika-21 ng buwang kasalukuyan.

Espesyal na bisita si Edgar “Bobot” Mortiz ng lingguhang nating programa sa DWBL 1242 khz na sabayang matutunghayan sa FB Live at You Tube. Kita-kits mula ika-apat hanggang ikalima ng hapon.