Advertisers

Advertisers

2 doktor arestado sa pekeng swab test

0 337

Advertisers

ARESTADO ang dalawang doktor nang magpresinta ng pekeng resulta ng kanilang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test nang dumating sa Davao City.

Sinabi ng Davao City Police Office, umabot na sa 1,000 pasahero ang nadakip nila dahil sa pagbibigay ng pekeng coronavirus test result simula Enero.

Kabilang na ang isang doktor at doktora.



Noong Mayo 6, naaresto ang lalaking manggagamot, habang June 10 ang babae na kapwa hindi pinangalanan.

Nagmula ang dalawang doktor sa Cebu City.



Karamihan ng mga pasahero ay kumakapit sa pekeng virus test result para makaiwas na ma-swab test pagdating sa Davao International Airport.

Nauna nang sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio na mahaharap sa kasong ‘falsification of documents’ ang mga pasaherong mahuhuli sa pekeng RT-PCR test result.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">