Advertisers
NAGSAGAWA ng rali ang ilang grupo ng health workers sa mismong tanggapan ng Department of Health (DoH) sa lungsod ng Maynila.
Ito’y upang kalampagin ang DoH hinggil sa hindi pa naibibigay na sweldo gayundin ang hindi pa nailalabas na ‘meal at transportation allowance’.
Bahagya rin nagkaroon ng tensyon dahil sa pinigilan ang health workers ng mga awtoridad na magkasa ng programa.
Binigyan ng 10 minutong palugit ng MPD ang health workers para magsagawa ng pagkilos.
Hindi ito nagustuhan ng mga manggagawa ng National Center for Mental Health at iba pang kasapi ng Alliance of Health Workers. Anila, pilit silang pinatatahimik hinggil sa paglalabas ng mga pagkukulang ng gobyerno.
Sa kabila ng pagpigil ng pulisya, naituloy rin ng health workers ang kanilang programa at nagbanta na babalik sila na mas marami ang bilang. (Jocelyn Domenden)