Advertisers
NILINAW ng Malakanyang na inoobliga pa rin ang publiko na magsuot ng face shield indoors at outdoors.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ang napagpasyahan ng Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa payo ng health experts kasunod ng naitatalang kaso ng Delta variant ng coronavirus.
Giit ng pangulo na maliit na bagay lamang kung tutuusin ang pagsusuot ng face shield para na rin sa proteksyon ng lahat lalo pa’t lumutang ang Delta variant na sinasabing pinaka-delikado sa mga variant ng coronavirus.
Saad pa ni Roque na kailangan kumilos ang pamahalaan at mag-adopt ng mas mahigpit na mga panuntunan depende na rin sa sitwasyon at kaso ng mga variant ng COVID-19 sa bansa.
Una nang inihayag ni Roque na hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa labas maliban na lamang kung nasa mataong lugar ang isang indibidwal. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)