Advertisers

Advertisers

Hidilyn Diaz prinomote sa Staff Sergeant ng AFP

0 323

Advertisers

PINAGKALOOBAN ng promotion ng Philippine Air Force (PAF) si Hidilyn Diaz matapos na masungkit ang kauna-unahang gintong medalya sa bansa sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, inaprubahan ni Lt Gen. Andres Centino Commanding General ng PAF ang promotion ni Diaz mula sa Sergeant sa Staff Sergeant epektibo mula July 27, 2021.

Ang promotion ay bilang pagkilala kay Diaz sa ipinakita nitong determinasyon at maiuwi ang unang gintong medalya sa bansa.



“We laud and support this move at the General Headquarters to mark SSg Diaz’ remarkable achievements in the field of sports and for bringing pride and glory to our country,” ani Sobejana.

Binati at ipinagmamalaki ni Sobejana si Diaz sa pagkakapanalo nito ng gintong medalya at pagbibigay karangalan sa bansa.



Naitala ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya nang pagharian nito ang women weightliffing 55 kilograms class nitong Lunes sa ginaganap na 2020 Tokyo Olympics mula nang lumahok ang bansa sa Olympics noong 1924.

Unang nakapagtala si Diaz ng silver medal sa women 53 category noong 216 Rio Olympics. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">