Advertisers
SA isinagawang survey ng The RP-MDF isa si Congressman Dale “Along” Malapitan sa Top 10 Lawmakers sa bansa.
Si Along ay pang-anim sa top performing lawmaker sa Kongreso sa isinagawang survey sa 10,000 metro respondents. Pinangunahan ni San Juan City representative Ronnie Zamora ang listahan ng mga de kalibreng kongresista.
“Performer” sina Along at ang siyam pang mambabatas sa kanilang trabaho bilang kongresista ng Unang Distrito ng Lungsod ng Caloocan, ayon sa isinagawang survey ng The RP – Mission and Development Foundation, Inc.
Mataas na 65 porsiyento ang ibinigay na grado kay Cong. Along ng mga residente ng Distrito Uno na tinanong ng naturang survey firm kung nasisiyahan ba sila sa pagganap ng kongresista sa kanyang paglilingkod.
Kasama sina Camille Villar, Las Pinas; Alan Cayetano, Taguig; JohnTiangco, Navotas; JC Belmonte, QC; Ruffy Biazon, Muntinlupa; Eric Martinez, Valenzuela; Joy Tambunting, Paranaque at Stella Quimbo, Marikina.
Malaking bagay ang pagkakahirang kay Cong Along bilang isa sa Top 10 solon ng House of Representatives dahil ito’y dagdag kredibilidad sa kanya, lalo’t napapabalitang siya’y sasabak sa pagka-alkalde sa May 2022.
Ang mapasama sa Top 10 performing congressman, ay patunay na ginagampanan ni Cong Along ang kanyang trabaho, kabaliktaran sa patutsada ng mga kalaban sa pulitika na siya’y nagbubutas lamang ng bangko sa kongreso.
Sa totoo lang, si Cong Along ay tahimik na ginagampanan ang tungkulin bilang mambabatas. Magugulat ka na lang at malalaman na natapos na niya ang isang programa o proyekto na tahimik na naisa-sakatuparan.
Isa sa ‘di malilimutan o tatatak sa mga taga-Caloocan na accomplishment ng butihing kongresista ay ang pagkatatag ng pangatlong distrito ng lungsod na kamakailan ay pumasa sa kongreso at ngayon ay isa ng batas.
Malaking bagay ito para sa Caloocan sapagkat resulta nito’y dagdag pondo sa lungsod dahil magkakaroon ng isa pang mambabatas na lililok ng mga batas na magdadala ng kapakinabangan sa mga residente ng Syudad ng Caloocan.
Hindi lang sa kongreso nagpapakitang-gilas si Cong Along dahil walang araw na ‘di siya nakikita ng kanyang mga constituent dahil laman siya ng kalye para magbigay tulong sa mga kababayang nangangailangan.
Dahil sa tuwina’y nakikita siyang umiikot sa kanyang distrito, napagkakamalan siyang nangangampanya, subali’t kabaligtaran sa sapantaha ng mga kalaban sa politika, ang katotohanan, siya’y nagdadala ng tulong sa mga residente.
Kumpara noon, ang Distrito Uno na kung tawagin din ay Bukid area ay masukal at malawak na bukirin, pero sa pagdaan ng panahon ay nag- iba na dahilan sa ngayo’y progresibong lugar na.
Ang noo’y maputik at masisikip na daanan, ngayo’y malawak na kongkretong kalsada na. Ang noo’y mga barong-barong na tahanan, ngayo’y malalaking establisyemento na at ang iba’y matatawag na skyscraper na.
Mula sa iilang negosyo, ngayon ay sentro na ng komersiyo dahil sa pag-usbong ng malalaking business establishments na nagsimula noong maluklok na kongresista si Oscar Malapitan na ngayo’y Mayor Oscar “Oca” Malapitan na naging siyam na taong kongresista din ng Caloocan.
Ang pagpapaganda ng Bukid area ay ipinagpatuloy ni Cong Along na magtatapos ng ikaanim na taon sa pagseserbisyo bilang konsgresista ng Distrito uno. Sa ulat, planong tumakbong mayor sa darating na election ni Cong. Along.
Kung accomplishment lang ang pag-uusapan, aba’y ‘di padadaig si Cong Along sa naisakatuparang achievement ni Mayor Oca habang siya ay congressman ng District 1 o ang Bukid area sa Caloocan.
Kaya yaong mga nangmamaliit kay Cong Along, aba’y dahan-dahan sa paninira dahil maliit man ito kung ituring, aba’y certified working public servant naman siya at napasama pa nga sa Top 10 performing solon ng Kamara.
Ang pulitika talaga diyan sa Caloocan, hindi na yata titino. Sa tuwing sasapit ang election, ang magkaka-alyado ay biglang naghihiwalay, siraan ng siraan para lamang makakuha ng boto pagdating sa araw ng halalan.
Pero may kasabihan – ‘You can’t put a good man down”. Kahit ano pa ang sabihin nila kay Cong Along, tulad din ng nakaraang eleksyon, na minamaliit at kinukutya, sa huli siya ang sinuportahan ng taumbayan.
Saludo tayo kay Cong Dale “Along” Malapitan!
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.