Advertisers

Advertisers

Quarantine violator timbog sa shabu

0 460

Advertisers

SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu nang masita dahil sa paglabag sa cufew hours at walang suot na facemask sa Malabon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang naaresto na si Jessie Galvez, 34 anyos, ng 13, F. Villanueva, Barangay Tonsuya,

Sa report ni SSg Salvador Laklaken Jr, kay Malabon police chief Colonel Albert Barot, 9:55 ng gabi, nagpaparolya ang mga tanod ng Brgy. Concepcion sa kahabaan ng Gov. Pascual nang makita nila si Galvez na gumagala sa naturang lugar. Sinita nila ito dahil sa paglabag sa curfew hours at walang suot na face mask, subali’t nang iisyuhan ng Ordinance Violation Receipt ay tinangka nitong tumakbo kaya hinabol siya ng mga tanod hanggang sa maaresto.



Nang kapkapan, nakuha kay Galvez ang isang plastic sachet ng shabu na nasa 0.7 gram at nagkakahalaga ng P4,816.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">