Advertisers
TIMBOG ang isang miyembro ng teroristang Dawlah Islamiya sa Maguindanao.
Kinilala ang nahuli na si Kalid Andalani Kalaing.
Ang grupong Dawlah Islamiya na nag-o-operate sa Mindanao ay katulad din ng Islamic State of Iraq and Syria.
Gamit ng Dawlah Islamiya ang bandera ng ISIS. Ito ang tinuturong nasa likod ng mga madugong pambobombo sa Central Mindanao nitong nakalipas na mga taon.
Si Kalaing, wanted sa pagkakasangkot sa mga gawaing terorismo at carnap, ay naaresto ng pinagsanib na mga miyembro ng Philippine Army na nasa ilalim ng 6th Infantry Division at ng Philippine National Police noong August 11, 2021 sa isang checkpoint sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.
Nasa kustodiya na si Kalaing ng PNP-Maguindanao.