Advertisers
ANG pagwakwak ni Pangulong Digong kay Yorme (Manila mayor Isko Moreno) na “call boy” ang training at pagsilip sa old photos na naka-brief ng dating matinee idol/aktor ay naging talk of the nation ang batang alkalde na dating basurero mula sa Tondo.
Suertre nga talaga kay Isko ang kanyang mga lumang larawang naka-brief lang, na nagkalat ngayon sa interet. Hehehe…
Oo! Naalala ko pa noong unang laban ni Isko sa Vice Mayor ng Maynila, matapos ang kanyang mga termino sa pagka-konsehal, ay ikinalat ng kanyang mga kalaban ang naturang mga sexy picture. Pero sa halip na magiba si Isko, lalo siyang pinag-usapan, kinabaliwan ng mga dalaga, matrona at baklang botante. Resulta: Nilampaso ni Isko ang mga kalaban. Hehehe…
Noong hinikayat ni Isko si Erap na tumakbong mayor sa Maynila laban kay late Fred Lim, matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa, isa ako sa mga bumira kay Isko. Dahil hindi ko nagustuhan ang pagbitbit niya sa plunderer/ex-convict President sa Maynila mula sa San Juan City.
Binira ko si Isko sa isyu ng imoralidad, inilabas ko rin ang naturang sexy photos niya. Pero hindi umobra, sa halip lalo pa siyang ginusto ng kababaihang botante lalo ng kabaklaan. Hehehe…
At dito nga sa tirada ni Digong kay Isko ngayon ay nangyari uli ang mga nangyari noon na kapag inilabas ang old sexy pictures ni Isko ay lalong pinag-uusapan at tumataas ang ratings ng huli. Mismo!
Masasabi kong suwerte nga kay Isko ang mga naka-brief niyang larawan noon. May magic ito sa kanyang political career. Hehehe…
Kita nyo, nang silipin ni Digong nung nakaraang Lunes ng gabi ang naturang “brief” ni Isko ay biglang talk of the nation ang alkalde ng Maynila. Nakuha nito ang simpatya ng maraming politiko, ginawa pa nga siyang presidente ng partidong Aksyon Demokratiko na kinabibilangan ng mahusay ding batang mayor ng Pasig City na si Vico Sotto.
Marami naring presidentiables ang nakipag-usap kay Isko at malamang na mag-unite ang mga ito laban sa mga kandidato ni Pangulong Digong sa 2022.
Pati mga professional instantly ay pumanig na kay Isko. Lahat ng ito ay nangyari sa isang iglap. Dahil lamang sa pagsilip ni Digong sa mga naka-brief na old pictures ni Isko. Magic! Hehehe…
*
Sa tingin ko ay magiging mahusay na presidente si Isko. Baka siya na nga ang makakapagbigay ng trabaho sa mga tambay, mahihirap na walang sariling tahanan, makapagpapayabong sa ekonomiya at makakapag-improve sa social services ng bansa.
Dahil sa lahat ng presidentiables para sa 2022 election, si Isko lang ang talagang may damdaming masa, nangga-ling sa squatters, at kumain ng mga tinapong tira-tirang pagkain mula sa mga restoran.
Mas mahirap ang pinanggalingan ni Isko kesa kay Senador Manny Pacquiao, isa ring presidentiable.
Ano kaya kung mag-tandem sina Isko at Pacquiao? Tapos kunin nila sa senatorial lineup ang matitinong sina Kiko Pangilinan, Vilma Santos, Bam Aquino, Antonio Trillanes, Chel Diokno, ex-Chief Justice Antonio Carpio, Dr. Willie Ong, Tony Macalintal, Liela de Lima, who else???
Tapos kausapin si VP Leni Robredo na mag-senador nalang o kaya’y bigyan ng magandang puwesto sa Gabinete kung sakali. Say nyo, mga pare’t mare.