Advertisers

Advertisers

Joaquin tablado kay Andi, focus muna sa career

0 329

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SECOND Big Placer ang nineteen-year-old si Andi Abaya sa Pinoy Big Brother: Connect na umere noong December 2020 at nagtapos March 2021 na ang nanalo ay si Liofer Pinatacan.

Isa siya sa mga bida sa pelikulang Caught In The Act kasama sina Joaquin Domagoso, Bamboo B. at Jhassy Busran.



Ayon kay Andi, naging close raw sila ni Joaquin habang ginagawa nila ang Caught In The Act na siya ring unang beses na nakatrabaho niya ang guwapong anak ni Manila City Mayor Isko Moreno.

“Napaka-welcoming niya. He’s been in this industry longer than I am, kaya  napaka-welcoming niya, especially sa pag-welcome niya sa akin dito sa industry, tinutulungan niya ako, tinutulungan niya kaming mga bagong artista habang nagsu-shooting.



“And napaka-professional po niya kaya it was really easy to work with him and naging close friend ko na rin po siya.”

Nagsisimula nang ma-link sina Andi at Joaquin; ano ang tsansa na may mabuong relasyon sa pagitan nila?



“Right now po kasi I really wanna focus on my  career knowing I’m a new artist  in this industry, I wanna let it grow, I wanna focus, I wanna put my energy  and focus on the growth of my career po muna.

“So hindi po muna priority  ang lovelife,” pahayag pa ni Andi.

Si Andi ay ginawaran bilang Most Impressive Teen Actress of the Year sa nakaraang 4th Asia Pacific Luminare Award na ginanap noong June 26 sa Okada Manila.

Ang ginawaran naman ng Asia Pacific Luminare Award bilang Most Impressive Teen Actor Of The Year ay si Joaquin.

Kung ilo-launch si Andi bilang solo star, bukod kay Joaquin, sino ang nais niyang maging leading man?

“I have a loveteam, may pine-pair po sa akin from PBB din po, his name is Kobie Brown, and I am willing and actually I am looking forward to work with him.”

Sa direksyon ni Perry Escaño, isasali ng MPJ Entertainment Productions, ang producer ng Caught In The Act,  ang pelikula sa 2021 Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

***

SA Legal Wives ay mga eksenang komprontahan sa pagitan ng tatlong asawa (Bianca Umali/Farrah,  Andrea Torres/Diane at Alice Dixson/Amirah) ni Ismael Makadatu (played by Dennis Trillo).

Naranasan na ba ni Bianca sa tunay na buhay na may kinumpronta siya? O siya ang kinumpronta?

“Wala pa naman po, walang intent…never pa naman akong nagkaroon ng intention na sadyain kong mang-confront. I think I wouldn’t be din naman that person who would intentionally do that and attack someone.

“Ayun nga, kung puwede namang pag-usapan and kung hindi rin naman…depende po sa situation also, pero kung pwedeng daanin sa usap ng maayos, ayun, I would go for that as well.”

Ano ang hahanapin niyang qualities sa kanyang future husband?

“Marami po, I think number one would be yung makukuha yung puso ng lola ko, yun po talaga ang unang-una, yung magugustuhan at masasabi ng lola ko sa akin na, ‘mahal ko ‘yang partner mo ngayon’, ‘yun po ang una.

“But of course, God-fearing, gusto ko napakaganda ng values, gusto ko rin po yung kaya kong mahalin yung hindi lang siya pero yung buong pamilya niya and maraming-marami pa pong iba.”

Yung faith, tingin mo ba importante sa ‘yo yung same kayo ng faith?

“Yes, of course, bilang napalaki po ako ng lola ko who is very religious, isa po ‘yan sa mga naging guidance ko rin po sa buong buhay ko, sa kung paano ko po naitatawid ang araw-araw, lagi po akong nakakapit sa faith ko,” pahayag pa ni Bianca.