Advertisers
MULING pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief, General Guillermo Eleazar, ang lahat ng PNP personnel na magpabakuna kontra Covid-19 at sundin ang mga itinakdakang health protocols.
Ginawa ni Eleazar ang panawagan nang makapagtala ang PNP Health Service ng 4 na pulis na nasawi sa Covid-19.
Sa datos, sinabi ni Eleazar na ang patient 93 ay 49 yrs old na nakatalaga sa Centdal Visaya na nagpositibo sa Covid-19 at na-cofine sa hospital Aug. 2, 2021 at binawian ng buhay sanhi ng pneumonia secondary to Covid-19 noong Aug. 14, 2021
Ang patient 94 ay 34 yrs old na nakatalaga sa NCR ay nagpa-check up nang makaranas ng hirap sa paghinga at nagpositibo sa Covid-19 nang sumailalim sa RT-PCR test Aug 7, at binawian ng buhay Aug. 16. Sa record, siya ay mayroon diabetes at nakatangap ng first dose ng bakuna kontra Covid-19 noong Aug 4.
Ang patient 95, ay 41 yrs old na nakatalaga sa Central Visaya ay nagpositibo sa Covid-19 July 30, binawian ng buhay matapos ang 3 linggo pakikipaglaban sa sakit sanhi ng critical pneumonia Aug. 15.
Habang ang patient 96, ay 48 yrs old, policewomen, nakatalaga sa Camp Crame, nagpositibo sa Covid-19 at na-admit sa Kiangzn Emergency and Treatment Facility sa Camp Crame July 30, at inilipat sa ospital nang lumala ang kalagayan Aug 7, at Aug. 14 ito binawian ng buhay.
Sa kasalukuyang umakyat na 96 pulis ang nasawi at nakapagtala ng 176 new cases.
Umakayat narin sa kabuuan 81,125 o 36.51 percent ang fully vaccinated, habang 95,345 o 42.92 percent ang naghihintay ng second dose, habang 45,700 o 20.57 percent ang hindi pa nababakunahan.(Mark Obleada)