Advertisers
PLANO ni Hidilyn Diaz na bumalik sa Malaysia ngayon September para ipagpatuloy ang training para sa World Championship sa Lima,Peru na nakatakda sa November.
Isinawalat ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentebella kahapon, na si Diaz at ang kanyang strength and conditioning coach Julius Naranjo ay planong lumipad sa September 20.
“She is going back to Malaysia para talagang mag-training for the world championship.
Gusto niyang mag-medalya doon,” Wika ni Puentevella during the Philippine Sportswriters Association Online Forum kahapon.
Ang Malaysia ay naging pangalawang tahanan ni Diaz sa nakalipas na taon para sa kanyang training patungo sa Tokyo Olympics, kung saan siya ang naging unang Filipino na nag-uwi ng Olympic gold medal.
Sinabi ni Puentevella short-term plans kabilang ang pagsabak sa world championship, pati ang Southeast Asian Games at ang Asian Games sa susunod na taon.