Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 12,067 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Agosto 24.
Samantala ay mayroon namang naitalang 14,565 na gumaling at 303 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (127,703) ang aktibong kaso, 91.4% (1,709,724) na ang gumaling, at 1.73% (32,264) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 22, 2021 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 3.9% sa lahat ng samples na naitest at 4.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)