Advertisers

Advertisers

FDA storage nasunog

0 391

Advertisers

NASUNOG ang isang gusali ng Food and Drug Administration (FDA) sa 1781 Civic Drive, Filinvest Corporate City, Alabang, Muntinlupa City, Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), 7:00 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa isang palapag ng Feed Storage Room ng FDA.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang Autoclave (Feed Dryer Machine) ang sanhi ng sunog .



Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at idinekarang fire out 8:00 ng gabi.

Tinatayang humigit-kumulang sa P100,000 ang natupok ng apoy.



Wala namang inulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP hinggil dito. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">