Grupo ng mga magulang at taxpayers hiniling sa COA na silipin at busisiin din ang pondo ng mga kongresistang maka-CPP-NPA-NDF (Bayan Muna, ACT Teachers, Kabataan, Gabriela) kung napupunta ba ito sa iligal na paggagamitan
Advertisers
SA nalalapit na Araw ng mga Bayani, kami ay nagpupugay sa sakripisyo at kabayanihan ng mga dakilang Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kasarinlan. Kaugnay nito, may mga banyagang ideolohiya gaya ni Merx, Lenin, Maoismo ang patuloy na sinusulong ang ilang bankaroteng grupo na gumagamit ng mga terorismong taktika. Bahagi ng ganitong taktika ang paggamit nila sa Democratic space na binibigay ng sistemang demokrasya ng Kongreso.
Ang mga Kongresistang maka-terorismong CPP-NPA-NDF ay ginagamit ang Kongreso sa Political Tactital Alliance sa mga halal ng bayan. At isa sa mga pinaka-matingkad dito ay ang paggamit sa pondo ng Kongreso na may nakatabing alokasyon pra sa mga party-list organizations and congressmen.
Hinihiling namin sa COA na masusi ding busisiin at himay-himayin at silipin ang pondo na binibigay sa mga elected party-list organizations gaya ng Bayan Muna, Act Teachers, Kabataan at Gabriela kung sa ligal ba na proyekto at serbisyo nila nilalaan ang kanilang pondo. Baka naman dinadala nila ang kanilang pondo sa CPP-NPA-NDF bilang pagsuporta sa terorismong pakikidigma nito. Ang mga staff ba at empleyado nila ay lehitimo at hindi full time organizers ng CPP-NPA-NDF? O baka naman puro ghost employees din sila at ang pondong nakukurakot nila sa ghost employees ay pinagsusuporta nila sa CPP-NDF? Kami po bilang mga lehitimog tax payers ay nagtatanong lamang! Dagdag na pasanin din sa amin ang mga taxes na ito. At mas lalong sasama ang aming loob o magdurugo ang aming puso ‘pag nalaman namin na ang mga pondong binibigay sa kanila ay napupunta lamang sa panggugulo at pagsuporta sa terorismo ng NPA. Ok po sa amin kung ang mga taxes na ito ay mapupunta sa serbisyo o proyektong bayan para sa amin din.
Habang binubusisi n’yo (COA) ang mga ahensya ng gobyerno sa paggastos ng pondo, silipin at busisiin din natin kung napupunta din ba ang pondo ng Bayan Muna, ACT, Kabataan, Gabriela sa proyektong bayan at ang mga empleyado nila ay totoong nagsisilbi sa mamamayan at hindi sa walang kwentang digmaan ng CPP-NPA-NDF!
– Jose Antonio E. Goitia
Secretary General
Liga Indepedencia Pilipinas