Advertisers

Advertisers

Para kay Gwenn

0 730

Advertisers

HAYAAN niyo muna akong ialay ang pitak na ito sa pagdadalamhati dahil sa masakit na sinapit ng pagkawala ng isa nating kaibigan, kapatid sa hanapbuhay at kumareng si Gwenn Salamida.

Hindi magandang balita ang ipinarating sa akin noong Martes (August 17) ng hapon tungkol sa nangyari kay Mareng Gwen. Inaanak ko ang kanyang panganay sa dalawang prinsesang ibinigay bilang biyaya sa kanya ng Maykapal.

Ayon sa impormasyong ipinarating sa akin, si Gwen ay napatay daw ng di pa nakikilalang salarin nang pinasok nito ang kanyang beauty salon sa may Kaingin Road sa Quezon City.



Sa ulat na aking natanggap agad mula sa Philippine National Police (PNP) – Laloma Police Station, si Gwen at ang live-in partner nitong si Oliver Perona ay pinagbabaril ng salarin dakong 3:35 ng hapon at nakatakas ang pumaslang sa pamamagitan ng nag-aantay na motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek.

Ikinamatay agad ng aking kumare ang mga tama ng bala sa kanya, samantalang si Perona ay nag-agaw buhay at naidala pa sa pinaka-malapit na ospital.



Kinabukasan sana (August 18) ay ika-41 birthday na ni Gwen. At bilang namumuno sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), hinding hindi ko dapat lubayan ang kasong ito.

Ito naman ang mga agarang nangyari sa pagtutok ng PTFoMS sa kasong pagpatay kay Gwen. Una, ang QCPD ay agad na lumikha ng Special Investigation Task Group (SITG) Salamida upang tugisin ang mga suspek at matukoy ang motibo ng pamamaslang. Pangalawa, ang anggulo ng pagnanakaw ay isinantabi na bilang isa sa mga motibo ng pagpatay (dahil wala namang nawalang mahahalagang bagay ng maganap ang krimen). Pangatlo, walang kaugnayan sa pagiging media dati ni Gwen ang pagpatay sa kanya, kaya hindi pwedeng itake-over ng PTFoMS ang kaso, ngunit makikipag-ugnayan pa rin kami sa SITG.



Mismong si PNP Chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang nag-order ng malalimang imbestigasyon sa pangyayari.

Ang isa pang biktma na kasama ni Gwen na nabaril din, ay ligtas na, at nasa mabuti ng kalagayan habang nagpapagaling.

Marami pa akong nalaman tungkol sa pagpatay kay Mareng Gwen, na hindi ko maaaring ibahagi sa inyo o ilathala din dito.

Ngunit makakaasa kayo na kahit hirap ang PTFoMS sa pagsubaybay sa kaso upang maigawad ang hustisya sa ating kapatid sa hanapbuhay, kasama kaming magtratrabaho at maghahanap ng hustisya para kay Gwen.