Advertisers

Advertisers

6 miyembro ng pamilya magkakayakap na natusta ng buhay sa sunog sa Cebu

0 261

Advertisers

MAGKAKAYAKAP na natagpuan ang mga bangkay ng anim na miyembro na pamilya nang masunog ang mga ito sa pagkasunog ng kanilang bahay Martes ng hapon sa Cebu city.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dan Henry Carvajal, 3 anyos; Andre Carvajal, 6; Felicity Sachi Carvajal, 12; Lyka Carvajal, 16; Hannah Mae Carvajal, 34; at Ivan Mejia, 58, PWD’s; habang nawawala si Lilian Carvajal, 72.

Sa report ng Bureau of Fire Protection-Cebu City, 2:00 ng hapon nang lumiyab ang bahay ng mga biktima sa compound sa Arlington Pond, Barangay Santa Cruz, ng nasabing lungsod.



Ayon kay FO3 Pulbert Navarro, imbestigador sa Cebu City Fire Department, magkakayakap nilang natagpuan ang mga sunog na bangkay .

Hinihinalang “electrical faulty wiring” ang sanhi ng sunog dahil bago kumalat ang apoy nakarinig ng pagsambog ang may-ari ng bahay.



Napag-alaman na iisa lamang ang labasan at pasukan sa naturang compound kaya na-trap ang mga biktima at hindi na nakalabas pa ng kanilang bahay.

Naapula ang apoy ng mga pamatay-sunog 3:41 ng hapon.



Sugatan ang ilang bombero na sina Insp. Eraño Fernandez, 23; FO1 Terencio Lape, 30; at fire volunteer John Robert Rallos, 22, na nagtamo ng mga paso sa kanilang mga kamay at paa.

Umabot sa P11.2 milyon ang tinupok na mga ari-arian.