Advertisers
PINAGKALOOBAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization ang Moderna COVID-19 vaccine para sa mga kabataang edad 12 pataas.
Ayon kay FDA Director Eric Domingo, ito ay dalawang linggo matapos mag-apply ang US firm para sa pag-amyenda sa dating emergency use authorization.
Sinabi ni Domingo na nagbigay ng go signal ang vaccine expert panel ng bansa at regulation experts para sa paggamit ng Moderna vaccine para sa pagbabakuna sa mga kabataan.
Saad ni Domingo na habang may mga bihirang kaso ng myocarditis, o ang pamamaga ng kalamnan sa puso, ang pagkakaroon ng labis na nakakahawa na Delta variant ay siyang nagtulak sa mga eksperto na aprubahan ang aplikasyon ni Moderna upang masakop ang mga kabataang Filipino sa vacciantion drive ng gobyerno .
“With the Delta variant affecting a lot of children, nakita ng mga experts na (the experts saw that) the benefits of the vaccine outweigh the risks,” saad ni Domingo sa virtual briefing. (Jocelyn Domenden)