Advertisers

Advertisers

Lalaki pinugutan ng kaaway

0 285

Advertisers

Pinagtataga at pinu­gutan pa ng ulo ng isang lalaki ang dating kaaway nang magkita sa isang lugar sa kasagsagan ng ulan, Lunes ng gabi, sa Brgy. Tulapok, Margosa­tubig, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Roberto Arobillo alyas ‘Nonoy’, 45 anyos, residente ng nasabing barangay; habang sumuko naman ang salarin na si Orlando Remasug, 35, ng Brgy. Tipasan sa bayan ng Lapuyan.

Sa ulat ng Margosatubig Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente 6:45 ng gabi ng Lunes, nang kapwa nakisilong ang biktima at salarin sa bahay ng isang Rosendo Boniao dahil sa lakas ng buhos ng ulan.



Nang magkita ang dalawa, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa pagtatagain ni Remasug si Arobillo sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ng ulo ni Remasug ang nakahandusay nang si Arobillo.



Mabilis na tumakas ang salarin pero sumuko rin ito kay Viola Sayamba Remasog, kapitan ng Brgy. Tipasan, na siyang nag-turnover sa salarin sa pulisya.

Lumalabas sa ulat ng pulisya na may dating alitan sina Remasug at Arobillo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">