Advertisers

Advertisers

Bilateral relationship ng America at Pilipinas muling pinagtibay

0 255

Advertisers

MULING pinagtibay kahapon ng United States of America (USA) ang kahalagahan ng bilateral relationship nito sa Pilipinas.

Ito ay ilan lamang sa mahahalagang pinag-usapan sa pulong nina State Secretary Antony Blinken at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na naganap sa State Department sa Washington.

Ayon sa pahayag ni US State Department spokesperson Ned Price, nitong Biyernes oras sa Maynila, napag-usapan nina Blinken at Locsin ang muling pagpapatibay sa kahalagahan ng bilateral relationship ng America at Pilipinas.



Nangyari ito sa ika-70th anniversary alliance ng Pilipinas at America at ika-75th anniversary ng diplomatic relationship nito.

Ayon kay Price, kabilang sa pinagtuunan ng pansin ni Blinken ang kahalagahan ng kalayaan sa navigation at pagrespeto sa international law partikular ang usapin sa South Cina Sea.



Bukod dito ay pinag-usapan din aniya nina Locsin at Blinken ang nagaganap na COVID-19 pandemic, economic engagement at human rights.

Nagpasalamat din si Blinken sa pag-renew ng Pilipinas para sa Visiting Forces Agreement at handa aniyang makipagtulungan ang America sa Pilipinas para labanan ang COVID-19 pandemic. (Lordeth B. Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">